4 Pinoy dakma sa Australia sa ‘sex video’

MANILA, Philippines - Nagbabala ang pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) patungong Australia na mag-ingat matapos na apat na Pinoy ang magkakasunod na inaresto dahil sa pagdadala ng pornographic materials papasok sa nasabing bansa.

Inatasan na ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na isama sa Pre-Departure Orientation Seminars para sa mga paalis na OFWs patungong Australia ang babala sa pagbabawal ng pagdadala ng mga porn materials matapos ang sinapit ng apat na OFWs.

Maging ang mga recruitment agencies ay pinaalalahanan din na magbigay ng orientation sa kanilang idedeploy na OFWs patungong Australia. Base sa report ni  Labor Attache Jalilo dela Torre na nakabase sa Australia, unang dinakip ng Austrian Customs and Border Protection authorities ang tatlong Pinoy na ‘di pinangalanan matapos na makuha sa kanila ang pornographic materials sa kanilang cellphone at laptop kamakailan habang nitong nakalipas na linggo lamang ay isa pa ang inaresto sa Western Australia.

Show comments