M’cañang may paalala kay Duterte
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kahapon ng Malacañang si Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte na may karapatan din ang mga akusado at dapat sundin ang proseso ng batas.
Ito’y kasunod ng ulat na nakahandang magbigay ng P4 milyon si Duterte para sa sinumang makakapatay sa wanted na lider ng carnapping group na si Ryan Cane Yap-Yu alyas Baktin, P2 milyon para sa makakaaresto dito ng buhay at P5 milyon sa makakapagdala sa ulo nito sa kaniyang opisina.
Aminado si deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nasa discretion ng mga lokal na opisyal ang pagbibigay ng bounty pero dapat pa ring sundin ang proseso ng batas.
Hindi anya hinihikayat ng Malacañang ang pananakot sa bayolenteng paraan dahil lahat ng akusado ay dapat pa ring dumaan sa tamang proseso.
Sinabi rin ni Valte na hindi nila ineengganyo ang “vigilantism” dito sa bansa bagaman at wala namang problema sa pagbibigay ng reward pero hindi kailangang maging marahas ang pagkuha sa akusado.
- Latest