MANILA, Philippines - Pinagbabawalan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang lahat ng Catholic schools na magsagawa ng mga halloween party at mga costume party sa All Saints Day at All Souls Day.
Ayon kay CEAP President Father Greg Banaga na sa halip na gumastos sa mga Halloween party ay dapat ituro ng tama ng mga Catholic schools ang kahalagahan ng Undas sa pag-alala sa mga yumao o All Souls day at pagkilala sa mga Santo sa All Saints day.
Ipinaliwanag ni Fr. Banaga na hindi itinuturo ng Simbahang Katolika ang mga secular na selebrasyon tuwing Undas.
“Iwasan natin ang mga ganyang halloween party kasi hindi naman Christian holidays ang dapat nating i-focus ay yung November 1 at November 2 yung All Saints day where we commemorate and we celebrate and honor the Saints that we have the Church as our inspiration and models of our life,” ani Banaga.
Mas makabubuti umano kung pagtutuunan ng pansin ang pagdarasal sa kaluluwa ng mga namayapang mahal sa buhay.