^

Bansa

20 OFWs sa Dubai iuuwi ni Jinggoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ng tanggapan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na 20 overseas Filipino workers (OFWs) ang tinulungan ng senador sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Sinagot umano ng senador ang pamasahe sa eroplano ng 20 household workers na tumakas sa kanilang mga employers matapos makaranas ng iba’t ibang klaseng pagpapahirap.

Ang 20 OFWs ay sina Mary Chell Afable, Lariza Arceo, Janet Bentero, Jonnalyn Belmosao, Rowena Carao, Anabel Cortez, Maida Esmael, Sittie Mariam Gudal, Cherry Lyn Larosa, Mary Joy Mangad, Nerissa Molleda, Jelleny Morabe, Maria Malaya Padilla, Diana Lou Publico, Maria Leni Regino, Noraida Sambutuan, Bariya Lipai Sawaldi, Michelle Torio, Angelina Uyammi,at Clarence Viscarra.

Inasahang darating ang mga ito sa Maynila sa Lunes, October 29, alas-4 ng hapon sakay ng Emirates airlines kasama si Estrada.

Nalaman ng senador ang kaso ng mga migrant workers na naghihintay ng repatriation mula kay Ambassador Grace Prin­cesa ng mag-stop over ito sa Philippine Consulate-General sa UAE, bago pumunta sa Vatican City ng dumalo siya sa canonization rites ng ikalawang Filipino saint na si San Pedro Calungsod.

Ayon naman kay Labor Attache Delmer Cruz, umaabot sa 1,000 Filipino migrant workers ang lumalayas sa kaniyang visa sponsors na kaniyang employers taun-taon.

Halos araw-araw din umano ay may bagong kaso ng maltreatment lalo na sa hanay ng mga household service workers.

AMBASSADOR GRACE PRIN

ANABEL CORTEZ

ANGELINA UYAMMI

BARIYA LIPAI SAWALDI

CHERRY LYN LAROSA

CLARENCE VISCARRA

DIANA LOU PUBLICO

JANET BENTERO

JELLENY MORABE

JONNALYN BELMOSAO

LABOR ATTACHE DELMER CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with