Patay kay Ofel, 24 na

MANILA, Philippines - Umakyat na sa 24 katao ang iniwang death toll ng bagyong Ofel, 19 ang nasugatan, siyam pa ang nawawala habang nasa 66,762 residente naman ang naapektuhan sa mga lugar na sinalanta nito sa bansa.

Sa report ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exe­cutive Director Benito Ramos, kabilang sa mga panibagong nasawi ang limang unang napaulat na nawawala na kinila­lang sina Fronda Jonnie Ocson, 8; Muhammad Kanape Guiamad, 11; Bonifacio Caran, 51; Rolando Chavez, at Jony Barrientos.

Samantala aabot sa 14,693 pamilya o kabuuang 66,768 katao ang naapektuhan ng kalamidad.

Naitala naman sa P36.6 milyon ang nasi­ra sa agrikultura at imprastraktura habang nasa 117 kabahayan ang napinsala.

Ayon kay Ramos, 12 lungsod at mga bayan sa Southern Luzon, Batangas, Cavite at Laguna ang mataas pa rin ang tubig-baha.

Kabilang naman sa isinailalim sa state of calamity ang Oriental Mindoro at mga bayan ng Buug at Imelda sa Zamboanga Sibugay.

Show comments