MANILA, Philippines - Ipinagbabawal ng Simbahang Katolika ang paniningil ng anumang donasyon ng mga pari sa pagbibigay ng kanilang mga serbisyo ngayong Undas gaya ng pagbabasbas sa mga puntod sa mga sementeryo.
Bukod dito, ipinagbabawal din ang special blessings sa mga puntod ng kaibigan ng mga pari.
Ang sinumang pari na mapapatunayang lumabag sa kautusan ng simbahan ay may kaukulang parusa na kahaharapin.
Pinaalalahanan din ng Simbahan ang publiko na tiyaking isang totoong pari ang magbabasbas sa puntod sa kanilang mahal sa buhay at hindi mga impostor upang maiwasan ang ‘di inaasahang problema at paniningil sa kanilang serbisyo.