Bawal magsiga sa sementeryo

MANILA, Philippines - Binalaan ng environmentalist group ang publiko na huwag sisigaan ang mga basura at mga halamang damo sa mga sementeryo ngayong Undas.

Ayon sa EcoWaste Coalition kasama ang mga doktor mula sa grupong Philippine College of Chest Physicians, bawal sa batas ang magsiga sa alinmang lugar sa bansa gayundin sa mga sementeryo dahil labag ito sa batas at nakakasama sa kalusugan ng mga tao.

Binigyang diin ng naturang mga grupo na maaring magkasakit sa baga at ilan pang respiratory illnesses ang sinumang makakalanghap ng nakalalasong kemikal mula sa nasusunog na mga lata ng pintura.

Ang panawagan ay ginawa ng mga ito dahil sa ilang naglilinis ng mga puntod sa Manila North at South Cemetery ay nagsisiga. Mas mainam umanong ilagay na lamang ang mga basura sa mga designated na basurahan sa loob ng sementeryo.

Kahapon ay dagsa na ang mga tao sa iba’t ibang sementeryo laluna sa QC upang linisin ang puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

Show comments