Anti-Epal Bill umusad na

MANILA, Philippines - Umusad na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal sa mga pulitiko ang pag­lalagay ng pangalan at mistulang pag-angkin sa mga proyekto ng gobyerno.

Isinalang na sa ikalawang pagbasa ang panukala na tatawaging “Anti-Signage on  Public Works Act” na inihain nina Senators Miriam Defensor-Santiago, Antonio Trillanes IV at Francis Escudero.

Sa sandaling maging ganap na batas ay ipagbabawal na ang paglalagay ng pangalan, initials, logo, o image ng mga pulitiko o opisyal ng pamahalaan sa mga signages na nag-aanunsiyo ng isang gagawing public works katulad ng kalsada, tulay, sidewalks, walkways, public buildings, public parks, sewage facilities, basketball courts, waiting sheds, lampposts, at iba pang proyekto ng gobyerno.

Naniniwala ang mga senador na dapat mapa­natili ang integridad ng mga public officers na nawawala dahil sa mistulang pag-angkin sa mga proyektong ginagastusan ng pamahalaan.

 

Show comments