^

PSN Showbiz

Walang malay sa annulment... Rufa Mae, inaming ‘di pera ang problema nila ni Trevor!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Walang malay sa annulment... Rufa Mae, inaming ‘di pera ang problema nila ni Trevor!
Rufa Mae Quinto

Inamin ni Rufa Mae Quinto na mayroon silang pinagdaraanan ng asawang si Trevor Magallanes. Sa Amerika nakabase ang mister ng sexy comedienne. “Bilang asawa, siyempre inaantay ko lang na magkaklaro kami, mag-usap pa rin. Kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya. Kasi lagi nga rin kasi akong wala eh. So baka naman pwedeng lambingan na muna, makiusap, ‘Pasensya na, I’m here,’” nakangiting bungad ni Rufa Mae sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kabi-kabila ang pinagkakaabalahan ng aktres kaya madalas na hindi nakakapi­ling si Trevor. “Kasi siyempre pagod ako, lagi akong wala, in short. So siyempre, there’s always two sides of the story. Pero naiintindihan ko rin na hindi naman siyempre puro ako lang ang tama. Siyempre siya rin naman, may reason din. Pero we’re going through something,” giit niya.

Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto

Tatanggapin umano ni Rufa Mae nang maluwag sa dibdib kapag desididong makipaghiwalay na ang mister. Sa ngayon ay wala pang naghahain ng diborsyo mula sa magkabilang panig. “Kasi kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi respetuhin ‘yon? Pero ‘yung legalities, sa mga file, walang file ng divorce, walang nag-file. Kasi ang dami ko nang file sa kaso. Ang dami nang nag-file. Ayoko munang mag-file ng divorce kasi dito rin naman kasi kami kinasal sa Pinas. So hindi ko rin alam kung ano ang gagawin. Masyadong masakit pa. May anak din kami na nagsabi, ‘When our family will be together?’ daw. Sabi ko na lang, wala eh, ang hirap sagutin, ‘di ba?” pahayag ng aktres.

Taong 2016 nang magpakasal sina Rufa Mae at Trevor. Magpipitong taong gulang na rin ngayon ang anak nilang si Athena. Mula noon pa man ay hindi raw nakasanayan ng mister ang pagiging isang artista ni Rufa Mae. Nilinaw ng aktres na walang kinalaman ang salapi sa kung ano mang naging problema nila ni Trevor. “Hindi siya artista, naaapektuhan din. Kaya ayaw niya muna ma-connect sa pangalan (ko), ‘yung pinag-uusapan. Tahimik, very private kasi. Siyempre nasasaktan siya ‘pag maraming nagsasabi, dahil sa pera. Sabi niya nga, ‘Ang dami-dami kong ibinigay sa ‘yo. Wala naman ako sinabi.’ Sabi ko, kung may nagsasabi, ibang tao, pero kinaklaro ko, hindi kami nagkakagulo dahil sa mga kaperahang ‘yan,” paglilinaw ng komedyana.

Kahit madalas na nagpapatawa ay hindi raw kailan man naging paksa ni Rufa Mae ang mister upang gawing katatawanan. “Never, nirerespeto ko siya. Hindi ko rin siya ginagawang laughing stock. Kasi Tagalog din, akala niya ‘yung mga jokes ko rin baka biglang nakaka-offend na sa kanya. Hindi ko alam eh, basta gusto ko siyempre, mag-antay. Mahal ko siya siyempre. At gusto ko siyempre makumpleto ang pamilya namin. Ako kasi kung ayaw na, rerespetuhin ko ‘yon kahit na masakit na sa akin. Bakit ko pipilitin ang isang tao kung ‘yan ang nararamdaman niya. Baka siguro ayaw na niya, hindi ko alam,” pagbabahagi ni Rufa Mae. — Reports from JCC

ACTRESS

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with