Maggie, nilaglag ni Marc Nelson!
Kaloka galit na galit ang mga netizen sa TV host-model na si Marc Nelson dahil sa pagkakadawit nito sa petition ng ex-hubby ni Maggie Wilson na si Victor Consunji para mapigilan itong magkaroon ng komunikasyon sa anak.
Sunud-sunod ang post ni Maggie kung saan sinabi nitong nagsimula ang taong 2025 niya na may magandang balita.
Naglabas na nga raw ng desisyon ang korte kung saan denied ang petition ng negosyanteng ex niya na Temporary and a Permanent Protection Order under the Anti-Violence Against Women and their Children Act upang mapigilan siyang makipag-communicate sa anak na si Connor.
Sinasabi raw nitong threat siya sa mental at physical well-being ng anak.
Sobra-sobra ang pasasalamat ni Maggie at sa ngalan daw ng ibang inang dumaraan sa parehong sitwasyon niya ay pinasalamatan niya ang Presiding Judge at Family Court.
Pero hindi roon nagtapos ang kanyang post dahil nilantad niyang sa ilang testimonya laban sa kanya ay nanggaling kay Marc Nelson at nilahad daw nito kung gaano nagdusa ang anak nila sa emotional stress, anxiety at annoyance dahil daw sa kanya.
At kinailangan din daw sumalang ng anak niya sa edad na 12 taong gulang.
Marami ang nagulat sa ginawa ni Marc dahil maaalalang naging magkatrabaho pa sila ni Maggie sa isang travel show na Beached.
Awang-awa ang mga netizen sa pinagdaanan ni Maggie lalo na ang mga nanay. Hindi raw nila akalaing magagawa iyon ni Marc na inakala nilang close ang dalawa.
Bukod doon ay naawa sila sa anak ng dalawa na si Connor na kung sana raw ay inayos na lamang nila ang pagco-co-parenting ay hindi na sana ito nagdurusa sa away ng mga magulang niya.
Marami ang mga natuwa sa kinahinatnan ng petition at kahit nga raw tingin nila ay pagkamaldita si Maggie ay hindi raw ito tumigil sa pakikipaglaban para sa anak niya.
Sana nga raw maka-move on na ang dalawa tutal may kanya-kanya na silang karelasyon.
‘Kaloka.
- Latest