^

Pang Movies

Sanya, ngayon lang may chance sa pamilya

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sanya, ngayon lang may chance sa pamilya
Sanya

Sa nalalapit na pagtatapos ng Pulang Araw, sinabi ni Sanya Lopez na kung makikipagpalit naman daw siya ng buhay, pipiliin niya ang mga nakatrabaho niya sa serye.

Ibinahagi rin ni Sanya na looking forward siya sa parating na Pasko dahil ito ang paborito niyang holiday.

“Doon lang kami may chance na magkakasama ng family ko, friends ko, loved ones. Pagkakataon din na magpahinga at mag-share ng blessings sa mga mahal mo sa buhay.”

Diana, limang taong nawala sa eksena

Nakatanggap ng mga papuri ang limang bida sa Mga Batang Riles na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon sa dating star na si Diana Zubiri.

Ginagampanan ni Diana ang ina ni Miguel.

“Magalang ‘yung bata, may disiplina siya, at tsaka nakita mo trained kasi nga bata pa lang siya, artista na siya at very professional. Okay na okay ‘yung tandem namin bilang mag-ina,” papuri ni Diana sa young actor.

Saksi rin siya sa pagpupursigi ng apat pang katrabaho niya sa mga maaksyon na eksena nila.

“Nakikita ko sila mag-rehearse, mag-training, proud ako kasi nakikita ko kung gaano sila kasipag, kung paano nila pinaghahandaan ‘yung mga eksena,” sey ni Diana.

Pagbabalik ito ni Diana sa paggawa ng teleserye. Huli siyang napanood sa 2019 GMA teleserye na Beautiful Justice.

Sa Australia na siya naka-base kasama ang mister na si Andy Smith at ang tatlo niyang anak.

American actress Blake Lively, kinasuhan ng sexual harassment ang co-star na si Justin Baldoni

Sinampahan ng sexual harassment case ng American actress na si Blake Lively ang actor-director na si Justin Baldoni. Nagkatrabaho sila sa pelikulang It Ends With Us.

Ayon sa TMZ, bukod sa sexual harassment, may effort din daw si Baldoni na sirain ang reputasyon ng aktres.

Nagsimula raw ang lahat sa kakaibang beha­vior ng aktor habang sinu-shoot nila ni Lively ang pelikula. Napag-alaman na may porno addiction si Baldoni kaya raw panay ang reference nito sa nude images of women at sexual positions sa set.

“I hope that my legal action helps pull back the curtain on these sinister retaliatory tactics to harm people who speak up about misconduct and helps protect others who may be targeted,” statement ni Lively sa New York Times.

Dahil sa lawsuit na sinampa ng misis ni Ryan Reynolds, binitawan ng kanyang agency si Baldoni. Nakilala ang aktor dahil sa paglabas niya sa 2014 satirical telenovela na Jane The Virgin.

SANYA LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with