Pagbagsak ng ekonomiya sa Kalibo Airport, isinisi sa solon
MANILA, Philippines — t District Congressman Carlito Marquez ang kasalukuyang kalagayan ng Kalibo International Airport na bumagsak ang turismo at nagkaroon ng pagkalugi ang maraming negosyo sa lalawigan, kabilang na ang mga hotel at restaurant.
Iginiit ni Miraflores na ang kapabayaan umano ni Marquez sa kanyang tungkulin ay nagdulot nang patuloy na pagbaba ng domestic at regional flights sa pangunahing paliparan ng Aklan, na dating itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang gateway patungo sa sikat na isla ng Boracay.
Ayon kay Miraflores, nangangamba na ang mga local business owners sa nangyayaring unti-unting pagkawala ng kumpiyansa ng mga turista at mamumuhunan sa lugar dahil sa kakulangan ng malinaw na direksyon at aksyon sa pagpapabuti ng Kalibo airport.
Binigyang-diin ni Miraflores na ang pagkalugi ng mga hotel at restaurant sa Kalibo ay bunga ng pagbawas ng mga turista, na dati’y umaasa sa maayos na operasyon ng paliparan.
Una nang naiulat ng Malay Municipal Tourism Office (MMTO) na bumaba ang bilang ng mga turista sa Boracay ng 3.25% ngayong 2024 kumpara sa nakaraang taon.
Samantala, tikom naman ang bibig ni Marquez sa pahayag ni Mirafloes sa kanya.
- Latest