^

Bansa

Pagkilala sa West Philippine Sea, palalakasin ng Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino na palalakasin ang pagkilala sa West Philippine Sea sa ating batas at sa international community kapag naisabatas ang panukalang Maritime Zones Act at Archipelagic Sea Lanes Act.

Ito ang ipinahayag ni Tolentino, may akda ng dalawang panukala, na aniya’y nagsusulong sa soberanya at territorial integrity ng bansa.

“Mas lalawak ang pagkilala sa terminong ‘West Philippine Sea.’ Sa unang pagkakataon ay papangalanan ito sa ating batas, na dati’y sa pamamagitan ng Executive Order lamang,” paliwanag ni Tolentino sa lingguhang Kapihan sa Manila Bay.

“Kapag naipasa ay isusumite ng pamahalaan ang dalawang batas sa United Nations, at sa International Maritime Organization (IMO), at ICAO (International Civil Aviation Organization), na s’ya namang mamamahagi ng mga ito para sa kaalaman ng mga bansang miyembro nito,” dagdag pa n’ya.

Bagama’t ang dalawang panukala ay maituturing na ‘domestic laws,’ nakapaloob naman umano rito ang mga prinsipyo ng international law, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang makasaysayang 2016 Hague Arbitral Ruling, na pumabor sa Pilipinas, habang nagbasura sa kontrobersyal na nine-dash line claim ng China.

“Unti-unti ay inilalagay natin ang mga prinsipyo ng international law sa konteksto ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglilinaw sa ating territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone, sea bed, at iba pa,” ayon kay Tolentino, pangunahing may-akda at sponsor ng dalawang panukala.

“Kung inyong mapapansin, parami na nang parami ang mga bansang sumusuporta sa atin. Habang mas marami ang kumikilala sa mga isinusulong nating doktrina, mas makakatulong ito sa ating pambansang interes,” dagdag ng senador.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with