Korean fugitive arestado sa BI head office
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong fraud.
Hindi na pinangalanan ni BI Officer-in-Charge (OIC) Joel Anthony Viado ang 56-taong gulang na Koreano bunsod na rin ng kadahilanang pang-seguridad.
Ayon kay Viado, ang dayuhan ay nadakip ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) sa loob mismo ng BI headquarters sa Intramuros noong Setyembre 12.
Nauna rito, nagtungo umano sa kanilang tanggapan ang dayuhan at iprinisinta ang kanyang bagong pasaporte sa Immigration Regulation Division ng BI para sa processing.
Dito na natuklasanang dayuhan ay may aktibong warrant of arrest na inisyu ng Seoul Jungang District Prosecutor’s Office noong 2021 para sa aggravated punishment at economic crimes na paglabag sa South Korean laws.
Inilagay rin umano ang pangalan ng dayuhan sa Interpol Red Notice bunsod na rin ng pagdispalko ng mahigit US$1milyon sa pamamagitan ng pagsusumite ng loan applications.
Ang dayuhan ay nahaharap na sa deportation case sa BI.
- Latest