^

PSN Showbiz

Aga, kinilig sa fans ni Andres!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Aga, kinilig sa fans ni Andres!
Andres Muhlach

Ramdam ang tuwa ni Aga Muhlach sa kanyang caption sa pinost na reels ng anak na si Andres Muhlach na may fans na nagpapa-picture. Hindi lang ang babae na kasama ni Andres ng kinunan ng video ni Aga, pati ang mga kasama nito.

Sabi ni Aga, “@itsmecharleneg had to pull out my phone and take a video of this scene (no biggie naman, kakatuwa lang)! Makes my heart really tender happy for you son! @aagapuy you’ve come a long way. God is good.”

May caption din ang reels na pinost ni Aga, “Kakatuwa!! Kilig ako pag ganyan! Happy for you, Andres!”

Sa napanood naming reels, tila caddy girls at mga kaibigan nila ang nagpa-picture kay Andres at parang nasa golf course siya at ang parents niya ganundin ang brother nitong si Luigi Muhlach.

And speaking of Aga, hindi lang golf ang sports ng bida ng sitcom na Pers Family ng TV5, may grupo ito ng mga kaibigan na nagbibisikleta every Sunday. Kasama sa grupo ang reporter ng GMA Network na si Oscar Oida. Ni-repost ni Aga ang post ni Oscar na nagpapasalamat sa walang sawang pagwe-welcome, pameryenda at free parking daw.

Comment ng netizens, kaya raw pala pumapayat si Aga dahil sa pagbibisikleta, kaya ang unsolicited advice nila, ipagpatuloy niya ang pagba-bike at iba niyang sports.

Sarah at Barbie, nagsama sa isang party

Parehong dumalo sa birthday party ni Dr. Aivee Teo ng The Aivee Clinic sina Sarah Lahbati at Barbie Imperial na ang tawag ng netizens ay “Richard Gutierrez’s past and pre­sent.” Sobrang laki siguro ng ballroom kung saan ginawa ang party dahil hindi man lang nakunan ng video na nagkatabi ang dalawa o kahit magkalapit man lang ang puwesto.

Kahit sa mga lumabas na group pictures, hindi sila nagkasama at nanghihinayang ang netizens. Chance na raw sana ‘yun para makita sila in one frame, kaya lang, very careful siguro ang dalawa na hindi sila magkita at lalo na, hindi sila magkasama sa mga larawan.

Sina Sarah at Barbie, walang sinasabi sa pagkakasabay nila sa party, mas nagre-react pa ang fans.

May nagkumpara sa pisikal na datingan nina Sarah at Barbie, may nagsabing mas maganda si Sarah, bagay na kinontra ng fans ni Barbie.

Michelle at Kyline, rumampa sa runway

Hindi lang birthday vacation ang ipinunta ni Kyline Alcantara sa New York dahil kasama si Michelle Dee, rumampa sila sa runway kahapon (Sept. 7). Kabilang ang dalawa sa model ng fashion designer na si Chris Nick at inirampa ang Spring/Summer 2025 collection nito.

Magre-react nito ang bashers at haters ni Kyline na parang ayaw maging successful ang mga ganap nito at higit sa lahat, ayaw nila kay Kobe Paras na sinasabing karelas­yon ngayon ni Kyline.

Wala pang photos, videos at reels na lumalabas sa pagrampa nina Kyline at Michelle, hintayin natin para makita kung ano ang datingan ng dalawa sa runway.

Si Michelle sanay nang rumampa sa harap ng international audience, first time naman ito ni Kyline na hindi naman talaga model, kundi artista.

vuukle comment

ANDRES MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with