24 arestado sa pagbebenta ng ipinagbabawal na paputok

MANILA, Philippines – Dalawampu’t apat na katao na ang nadakip dahil sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok at walang habas na pagpapaputok ng baril, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ng PNP ngayong Martes na bukod sa mga taong nadakip, umabot na sa 7,431ilegal na paputok ang kanilang nasabat.

Nagkakahalaga ng higit P1.26 milyon ang mga nakumpiskang paputok, dagdag ng mga awtoridad.

Samantala, umabot na sa 12 ang naitalang tinamaan ng ligaw na bala mula nang mag-monitor sila noong Disyembre 16 para sa 'Iwas Paputok' na kampanya.

Mula sa naturang bilang ay apat ang taga-National Capital Region, dalawa sa Region 4A, isa sa Region 5, dalawa sa Region 6, dalawa sa Region 12 at isa sa Cordillera.

Show comments