^

Balita Ngayon

Black warning travel ng HK sa Pinas, binanggit ang Yolanda crisis at Zamboanga siege

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nag-update ang Hong Kong Special Administrative Region government mg kanilang “black” travel warning sa Pilipinas, kung saan binanggit nila ang paghagupit ng bagyong Yolanda at ang naging kaguluhan sa Zamboanga City.

Pinaiiwasan ng Hong Kong sa kanilang mga residente ang pagpunta sa Pilipinas dahil sa pagkakaroon ng matinding banta sa kaligtasan.

Bukod sa Pilipinas ay nakataas din ang “black alert” ng Hong Kong sa Egpyt.

"Food and water shortages, deteriorating hygienic conditions, electricity outages and poor communications were reported in the affected area," pahayag ng ahenysa sa kanilang December update.

Nagmula ang travel alert noong Agosoto 2010 matapos mamatay ang walong turistang Hong Kong nationals sa Luneta dahil sa pangho-hostage ng isang dating pulis.

Binanggit ng Hong Kong ang pananalasa ni Yolanda sa Pilipinas kung saan higit 6,000 ang kumpirmadong patay.

Tinukoy din nila ang Zamboanga siege sa pagitan ng mga tauhan ng Moro National Liberation Front sa pangunguna ni Nur Misuari at ng gobyerno.

Pinag-iingat din ng Hong Kong ang mga pupunta sa PIlipinas tungkol sa pagpapasabog  ng kotse sa Cotabato at ang paglalabas ng embahada ng Estados Unidos ng ”credible kidnap threat against foreigners” noong Mayo.

 

AGOSOTO

ESTADOS UNIDOS

HONG KONG

HONG KONG SPECIAL ADMINISTRATIVE REGION

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PILIPINAS

YOLANDA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with