^

Balita Ngayon

3 daliri ng binata putol sa pla-pla

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlong daliri ang nawala sa isang binatilyo matapos magsindi ng paputok, ayon sa regional health office sa Baguio City.

Sinabi ni Elnoria Bugnosen ng Department of Health (DOH) Emergency Management na naputol ang tatlong daliri sa kamay ng 16-anyos na binatilyo matapos magsindi ng pla-pla.

Bukod sa kamay, sugatan din ang mukha ng hindi pinangalanang biktima na taga Barangay Bangaan, Sagada, Mountain province.

Samantala, isang 11-taong gulang na lalaki naman ang nasunog ang kamay dahil sa pagsindi ng Piccolo.

Isa ang Piccolo sa mga ipinagbabawal na paputok ng mga awtoridad dahil karamihang biktima nito ay mga bata.

Sa huling tala ng Philippine National Police 43 na ang biktima ng mga paputok at ligaw na bala.

Kaugnay na balita: 9 biktima ng ligaw na bala; 1,300 ipinagbabawal na paputok nakumpiska

Mas mataas naman ang bilang ng Department of Health na umabot na sa 134, kabilang ang naputulan ng kamay matapos magpaputok ng “Super Yolanda.”

Kaugnay na balita: Kelot putol ang kamay sa 'Super Yolanda'

BAGUIO CITY

BARANGAY BANGAAN

BUKOD

DEPARTMENT OF HEALTH

ELNORIA BUGNOSEN

EMERGENCY MANAGEMENT

ISA

KAUGNAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SUPER YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with