MANILA, Philippines – Isang binatilyo ang naputulan ng kamay matapos gumamit ng malakas na paputok na tinatawag na "Super Yolanda."
Sinabi ni DOH Assistant Sec. Eric Tayag ngayong Biyernes sa kanyang Twitter account na lumobo na rin ang bilang ng mga nasaktan dahil sa paggamit ng mga paputok ilang araw bago ang bagong taon.
Bukod sa naputulan ng kamay, isang limang taong gulang ang naputulan ng hintuturo dahil sa paggamit ng “Camara†o isang maliit na dinamita.
Amputations due to FW injuries: 1) 14 yo, male, cebu city, lost right hand fr super yolanda; 2) 5 yo, male, iloilo, lost index finger R hand
— Doc Eric Tayag (@erictayagSays) December 27, 2013
5 yo fr iloilo lost his index finger R hand after using camara or small dynamite
— Doc Eric Tayag (@erictayagSays) December 27, 2013
Umabot na sa 134 ang firework-related injuries, isa dito ay nakalunok ng paputok at lima ang biktima ng ligaw na bala.
Mula sa naturang bilang ay 82 ang biktima ng paggamit ng ipinagbabawal na paputok na “Piccolo.â€
2013 total FW related injuries 140: FW injuries 134 FW ingestion 1, Stray bullet 5; 2012 total 146: FW 143 FW ingestion 1 Stray bullet 2
— Doc Eric Tayag (@erictayagSays) December 27, 2013
Kahit patuloy ang paalaalang huwag gumamit ng paputok, mas mababa pa rin naman ang bilang ng mga nasaktan ngayon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na 146.
Kahapon ay sinabi ni DOH Sec. Enrique Ona na ilan sa mga nasaktan ay passive users o hindi talaga gumamit ng paputok at tinamaan lamang.
“Many of them are just watching those using fireworks but still get injured and it’s saddening,†banggit ng kalihim.