Halos 300 bahay nasunog sa Muntinlupa

MANILA, Philippines - Halos 300 bahay na gawa sa light materials ang nasunog sa lungsod ng Muntinlupa sa mismong araw ng Pasko kahapon.

Sinabi ng Muntinlupa Fire Department na aabot sa 600 pamilya  ang nawalan ng tirahan sa Purok 6 sa Barangay Bayanan.

Tatlong katao ang sugatan sa insidente na nakilalang sina Emerson Mirabelen, 31, Joey del Rosario, 21, at Abert Agos, 34, na agad naman naisugod sa ospital.

Tumagal ng higit tatlong oras ang sunog na nagsimula bandang 7:50 ng gabi at naapula ng mga bumbero bandang 11:25 ng gabi.

Umabot sa fifth alarm ang sunog.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog sa evacuation centers.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng sunog.

Show comments