42 na sugatan bago mag Bagong Taon - DOH

MANILA, Philippines -Isang lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala upang umakyat ang bilang ng mga sugatan bago mag Bagong Taon.

Sinabi ng Department of Health na isa lamang ang hindi pa nakikilalang lalaki na taga Ormoc City Leyte sa 42 na kataong naitalang nasaktan isang linggo bago ang pagpasok ng 2014.

Sinabi ng DOH na mas mataas ang bilang ng mga biktima ngayon kumpara sa kaparehong panahon noong 2012.

Karamihan sa mga biktima ng paputok ay dahil sa Piccolo na kadalasan ay bata ang biktima.

Isa ang Piccolo sa mga paputok na ipinagbabawal ng awtoridad.

Patuloy ang paalaala ng health agency na iwasan ang paggamit ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
 

Show comments