^

Balita Ngayon

Visiting hours kay Napoles pinalawig sa Pasko at Bagong Taon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) ngayong Martes na mabisita si Janet Lim-Napoles sa mas matagal na oras ngayong Pasko sa kanyang kulungan sa Sta. Rosa City, Laguna.

Sinabi ni PNP spokesperson Reuben Sindac na inaprubahan ng PNP ang hiling ni Napoles na makasama ang kanyang pamilya sa mas matagal na oras sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa City, Laguna.

Maaaring tumanggap ng bisita si Napoles ngayong bisperas ng pasko mula ala-1 ng hapon hanggang ala-1 ng madaling araw bukas.

Sa mismong araw ng Pasko ay maaari siyang mabisita mula ala-1 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Kaparehong iskedyul ang makukuha ni Napoles para sa bisperas ng bagong taon.

Nagpaalaala si Sindac na bawal tumanggap ng pagkain o regalo si Napoles.

Nakakulong si Napoles para sa kasong serious illegal detention na dinirinig sa Makati regional trial court matapos siyang ireklamo ng pork barrel scam whistleblower Benhur Luy.

BENHUR LUY

DOMINGO

FORT STO

JANET LIM-NAPOLES

KAPAREHONG

MAAARING

NAPOLES

PASKO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REUBEN SINDAC

ROSA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with