Nanay, 3 paslit patay sa sunog sa Mandaluyong

MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang Pasko, bangungot ang bumalot sa isang komunidad sa Mandaluyong City matapos masunog ang isang bahay na ikinamatay ng isang ina at tatlo niyang batang-batang mga anak.

Utas ang mag-iina Linggo ng gabi matapos masukol sa loob ng kanilang nasunog na bahay sa kalye ng San Roque sa Barangay Ilaya.

Nakilala ang mga biktimang sina Blitz Santos, 44;  Andrei Calunsod, 4; Yui, 2; at  Chelsea, 1.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi nakalabas ang mga biktima dahil sa lawak ng apoy at sa bintanang may harang na iron grills.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng apoy na tumupok din ng P500,000 halaga ng ari-arian,

 

Show comments