MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang isla ng Boracay at mga karatig na lugar ngayong Biyernes ng hapon.
Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa 34 kilometro hilaga-silangan ng San Jose de Buenavista sa probinsya ng Antique.
Naitala ang lindol na may lalim na isang kilometro ganap na 12:48 ng tanhali.
Tectonic ang origin ng paggalaw ng lupa, ayon pa sa Phivolcs.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Tibiao, Culasi, San Jose sa Antique at Caticlan.
Intensity 2 naman ang naranasan sa isla ng Boracay.