Lolo timbog sa buy bust ng PDEA

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang 71-anyos na tulak ng droga sa entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cebu City.

Kinilala ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ang suspek na si Rogelio Flores ng Sitio Camanso, Barangay Lorega, Cebu City.

Nasakote si Camanso sa isinagawang buy bust operation ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO 7) noong Disyembre 12 sa Barangay Lorega, Cebu City.

Nakumpiska mula sa suspek ang tuyong dahon ng mga marijuana na ipinadala na sa PDEA 7 Laboratory para suriin.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Republic Act 9165 Article II.

Show comments