MANILA, Philippines – Tatlong grupo ang tinututukan ng mga pulis sa patuloy na paggulong ng imbestigasyon kasunod nang nakawan sa isang mall sa Quezon City noong kamakalawa.
Sinabi ni Police District director Senior Superintendent Richard Albano ngayong Martes na mabuti nang mabagal ang kanilang imbestigasyon basta’t sigurado.
"Tatlo ang tinututukan natin ngayon na grupo...we will trim down to one target para sigurado tayo di baleng mabagal basta sigurado," pahayag ni Albano.
Dagdag niya na maaaring kaparehong grupo ang umatake noong Linggo sa SM North EDSA sa nanloob noong Enero sa SM Megamall.
"May posibilidad pero hindi kasiguruhan," ani Albano.
Samantala, wala pa ring bilang kung ilang alahas ang natangay ng “Martilyo gang†matapos manloob sa sa isang alahasan sa SM North EDSA.
Ayon sa mga initial reports ay aabot sa P5 milyong piso ang halaga ng mga natangay ng mga suspek.