Sir Chief at Maya tatagal pa sa ere

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni “Be Careful With My Heart” star Richard Yap ang mga ulat na nanghihingi siya ng regalo sa kanyang mga fans.

Lumabas ang mga blind items na may isang aktor na nanghihingi umano ng regalo sa kanyang mga tagasuporta sa pamamagitan ng social media.

Marami ang naniniwala na si Richard ang tinutukoy sa showbiz gossip blog.

“You should just go through my tweets. Wala naman akong nakasulat doon na I want something,” pahayag ni “Sir Chief” sa taped interview na umere sa late night news cast ng ABS-CBN na “Bandila” kahapon.

Inamin ni Richard na alam niya ang tsismis pero ayaw na lamang niyang patulan.

“Minsan kasi, sinasabi nung mga those who follow me, they tell me that. But sorry to say, I don’t read garbage,” sagot ni Richard.

Alam ni commercial talent-turned-actor na hindi naman lahat ng tao ay gusto siya.

“There will be always be people will not be happy with what you have or what you have achieved,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ng 46-anyos na artista na baka tumagal pa sa ere ang Be Careful With My Heart nila ni Jodi Sta. Maria.

“Dapat this year lang, and then February next year (yung show). Then medyo, baka it might be longer. We just hope we continue giving people a good show.”

Show comments