MANILA, Philippines – Ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 40 metro dapat ang layo ng mga itatayong bahay sa mga lugar na sinira ng bagyong “Yolanda†sa baybayin tuwing high tide.
Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente kung itatayo ang mga bahay malapit sa dagat.
“Based from the lessons we learned from the past typhoons like 'Sendong', 'Pablo' and 'Yolanda', there were trends that it will put to risk the people’s lives and properties if they will still be allowed to rebuild again their houses on their previous locations,†pahayag ni Soliman sa Philippine News Agency (PNA).
Kabilang sa permanent shelter assistance program ng gobyerno ang gagastusin sa pagpapatayo ng mga bagong bahay para sa mga biktima ni Yolanda noong Nobyembre 8.
Bukod sa pabahay ay layunin din ng Sustainable Livelihood Program na tulungan makabangon ang mga Yolanda survivors.
Umabot na sa P54.88 milyon ang natatanggap na donasyon ng DSWD mula sa publiko dito sa bansa, habang $14.94 milyon na ang kanilang nakuha mula sa ibang bansa.
Aabot sa halos 6,000 katao na ang kumpirmadong patay matapos humagupit ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng Pilipinas.
Pinangangambahang aabot sa 8,000 ang nasawi dahil nas 1,779 pa ang nawawala.