MANILA, Philippines – Hiniling ng transport groups ngayong Miyerkules sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng P2 dagdag pasahe dahil sa sunod-sunod na pagmahal ng langis.
Sinabi ng mga grupo ng mga drivers at operators na nararapat lamang ang pagtataas nila ng pamasahe dahil umaabot na ng P45 kada litro ang halaga ng diesel.
Kabilang sa mga naghain ng petisyon sa LTFRB ang: The Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, Philippine Confederation of Drivers Organizations-Alliance of Concerned Transport Operators at Liga ng Transportasyon at Opereytors sa Pilipinas.
Bukod sa P2 dagdag sa pamasahe, nais pa ng mga grupo na magkaroon ng P.35 sentimong dagdag para sa susunod na mga kilometro.
Idinadaing ng mga grupo ang pagtaas ng halaga ng langis, pagmamahal ng mga spare parts ng sasakyan at maging ang mga bayad sa pagkuha ng mga permit sa lokal na gobyerno.
Iginiit pa ng mga grupo na noong 2008 pa sila huling nakapagtaas ng pamasahe na inaprubahan ng LTFRB.