Pacquiao $18-M ang utang na buwis sa Amerika - report
MANILA, Philippines – Bukod sa utang sa Bureau of Internal Revenue, hinahabol ngayon ng Internal Revenue Service (IRS) ng Amerika si Filipino boxing icon Manny Pacquiao dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.
Ayon sa report ng Hollywood entertainment news source na TMZ, aabot sa $18,313,668.79 ang hindi binayarang buwis ni Pacquiao nang lumaban siya sa Amerika mula noong 2006 hanggang 2010.
Sinabi ng TMZ na nakakuha sila ng mga “official documents†mula sa IRS kung saan nakalagay ang mga utang ni Pacquiao.
Narito ang halaga ng hindi umanong binayarang buwis ni Pacquiao mula 2006 hanggang 2010.
2006 -- $1,160,324.30
2007 -- $2,035,992.50
2008 -- $2,862,437.11
2009 -- $8,022,915.87
2010 -- $4,231,999.01
Ilan sa mga labang nagpasikat kay Pacquiao ang kanyang pagkapanalo kay Oscar Dela Hoya noong 2008 kung saan nasa 15 hanggang $30 milyon ang nauwi niya.
Umabot naman sa $12 milyon ang kanyang natanggap matapos pabagsakin sa pangalawang round ang Briton na si Ricky Hatton.
Matapos bumangon mula sa dalawang magkasunod na pagkatalo si Pacquiao nang bugbugin si Brandon Rios, lumabas ang mga balitang paghahabol sa kanyang ng BIR dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Sinasabi ng BIR na lumobo na sa P2.2 bilyon ang utang ni Pacquiao matapos lumaki ito dahil sa mga interes.
Dagdag ng kawanihan na hindi inilagay ng boksingero sa kanyang 2009 income tax return ang mga kinita sa Amerika.
Ito yung problema ng 2009 ITR niya, wala siyang idineklarang American income, idineklara lang niya ay yung Philippine source income at under declared pa," pahayag ni Henares noong huling linggo ng Nobyembre.
“Kung meron kayo nun bakit hindi niyo ibinigay sa amin? Anong silbi nun kung itinago niyo? What is the purpose of having it and keeping it?†tanong ni Henares.
Iginigiit naman ni Pacquiao na nagbayad siya ng tamang buwis sa Amerika kaya naman wala na siyang pananagutan sa Pilipinas, sang-ayon na rin sa kasunduan ng dalawang bansa.
- Latest
- Trending