MANILA, Philippines – Matapos ang isyu ng pagbebenta ng ilang politiko ng mga donasyon ng United Kingdom, pinapasilip ng Department of Social Welfare and Development ang ulat na ibinebenta ang food packs ng United States sa ilang supermarket sa Makati City.
Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman ngayong Martes na bumuo na siya ng grupo na tututok sa naturang balita na pagtitindi ng meal-ready-to-eat (MRE) packs.
"Ang amin ngayong iniimbistigahan. Kasi bine-base namin dun sa Facebook na nagpakita na parang Makati ho yan sa Cash and Carry yata. At meron ho kaming investigating team na binabaybay yun," pahayag ni Soliman sa isang panayam sa telebisyon.
Nilinaw din ni Soliman para sa mga tauhan talaga ng Armed Forces of the Philippines ang mga MRE.
Dagdag niya na high-protein tetra packs ang kanilang ipinapamahagi sa mga biktima ng bagyong “Yolanda†mula sa United States Agency for International Development (USAID).
"Yung tinanggap namin na high protein. Ito po ay nakalagay sa kahon. Walong maliit na tetra packs paste ang laman po. Ibig sabihin sisipsipin mo po yun. At nung nagdistribute nga kami dun sa San Jose ...yung lang ho ang natanggap namin, yung MRE na tinatawag po meal ready to eat pinaiimbistiga ho namin. Issued ho yan sa military hindi ho yan binibigay sa amin,†paliwanag ni Soliman.