MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ay aprubado ang national budget para sa susunod na taon sa unang pagpupulong ng mga mambabatas ngayong Martes.
Lusot sa bicameral conference sa Senado ang P2.264 trilyon national budget, mas mababa ng P3.2 bilyon kumpara sa iminungkahi ng Palasyo na P2.268 trilyon na inaprubahan naman ng Kamara nitong nakaraang Oktubre.
Lumusot sa pangatlo at huling pagbasa ang naman ng Senado ang pondo noong Nobyembre 26 matapos bumoto ang 16 na senador pabor sa 2014 national budget na walang pagkuwestiyon.
Kaugnay na balita: 2014 budget lusot sa Senado
Tinanggal sa national budget ang pork barrel ng 15 senador at kay bise-presidente Jejomar Binay.
Kabilang sa 2014 budget ang P100 bilyong gagamitin para sa pagsasaayos ng mga winasak ng mga kalamidad, partikular ang bagyong “Yolanda†nitong nakaraang buwan at ang magnitude 7.2 na lindol sa Bohol.