Power sharing sa Bangsamoro aprubado

MANILA, Philippines – Nagkasundo na ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa power sharing  annex para sa binubuong Bansamoro Region sa Mindanao.

Nilagdaan Linggo ng gabi ng kinatawan ng gobyerno at ng MILF ang kasunduan matapos ang 42nd formal exploratory talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nauna nang napagkasunduan ng dalawang panig ang transitional arrangements and modalities at ang revenue generation at wealth sharing.

Kaugnay na balita: MILF payag sa 'wealth sharing'

Sinabi ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na nakatutok ang bagong napagkasunduan sa “the nature of the political entity” ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“The annex (on power sharing) shall guide the Bangsamoro Transition Commission in the drafting of the Bangsamoro Basic Law. It also provides principles of intergovernmental relations to ensure the harmonious partnership between and among the different levels of government,” pahayag ng dalawang grupo.

Naniniwala ang kinatawan ng dalawang grupo na sina Prof. Miriam Coronel-Ferrer at Mohagher Iqba na matatapos nila ang annex on normalization and an addendum on the matter of Bangsamoro waters upang makumpleto ang kasunduan sa susunod na taon.

“In the spirit of transparency and inclusivity, the parties shall continue to dialogue with and consult the various stakeholders,” dagdag nila.

Pumayag ang gobyero noong Hulyo na makakakuha sila ng 25 porsiyento mula sa mga makokolektang buwis ng Bangsamoro.

Gayunman, nagkasundo ang dalawang panig sa “equal sharing” pagdating sa energy resources.

 

Show comments