^

Balita Ngayon

Palasyo 'di suportado ang tax exemption ni Pacquiao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi susuportahan ng Palasyo ang isinusulong sa Kamara na huwag nang pagbayarin ng buwis si Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil sa kanyang dinalang karangalan sa bansa.

SInabi niPresidential Communications and Operations Office Secretary Sonny Coloma na tungkulin ng bawat Pilipino ang magbayad ng buwis nang sa gayon ay may magagamit na pondo ang gobyerno.

"Tungkulin po ng bawat mamamayan ang pagbayad ng tamang buwis," pahayag ni Coloma ngayong Biyernes. "Kaya ang pananaw po namin, hindi makaturungan ang panukalang iyon."

Ilang kasamahan ni Pacquiao sa Kamara ang naghain ng panukalang huwag nang pagbayarin ng buwis ang eight-division champion.

Iminungkahi ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na bigyan ng lifetime exemption si Pacquiao, habang ang isinusulong naman ni dating Manila Mayor at ngayo’y Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang panukala upang hindi na singilin ng buwis ang mga magigiting na atleta tulad ni Pacquiao.

"His generosity and desire to help that extends even up to the use of his hard-earned money is noteworthy. He is an exemplar of humility, a refreshing soul in the Philippines,” sabi ni Gunigundo.

Sinisingil ng Bureau of Internal Revenue ang boksingero ng P2.2  milyon dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis noong 2009.

Sinabi ng BIR na hindi idineklara ni Pacquiao ang kanyang mga kinita sa United Staetes noong 2009 sa kanyang income tax return.

Iginiit ng kampo ni Pacquiao na nagpasa sila ng kaukulan papeles sa kawanihan.

Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III nitong nakaraang linggo kay Pacquiao na sagutin na lamang ang mga katanungan ng BIR at huwag nang makipagsabungan sa tinatawag na media war.

“At the end of it, maybe, and with all due respect to Congressman Pacquiao, if he believes that he has complied with all the necessary rules and all the necessary laws, then I’m sure he has all the evidence,” sabi ni Aquino.

BUHAY PARTYLIST REP

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COMMUNICATIONS AND OPERATIONS OFFICE SECRETARY SONNY COLOMA

CONGRESSMAN PACQUIAO

KAMARA

LITO ATIENZA

MAGTANGGOL GUNIGUNDO

MANILA MAYOR

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with