Dating Batangas guv Leviste lalaya matapos bigyan ng parole

MANILA, Philippines – Nakatakdang lumaya ngayong Biyernes si dating Batangas governor Antonio Leviste mula sa New Bilibid Prison (NBP) matapos mabigyan ng parole.

Sinabi ni Superintendent Venancio Tesoro, NBP officer-in-charge, bukod kay Leviste may 30 pang preso ang palalayain matapos magsilbi ng minimum required sentence.

Nabigyan ng parole si Leviste at iba pa noong Nobyembre 19 at kahapon lamang lumabas ang certificates of discharges.

"Most likely, the board took that factor (old age) as a matter of course," pahayag ni Tesoro sa paglaya ng 73-anyos na si Leviste.

Hinatulan ng anim na taon hanggang 12 taong pagkakakulong ng Makati trial court si Leviste matapos patayin ang kanyang tauhan.

Dumating sa NBP si Leviste noong Enero 26, 2009.

Nilinaw ni Tesoro na kailangan pa rin magpakita ni Leviste sa parole officer hanggang matapos ang kanyang sintensyag 12 taon.

"He will have to report regularly to the parole officer in the area for the rest of the time that he has to serve up to the maximum sentence, which is 12 years."

Show comments