Gag order vs Pacquiao at BIR
MANILA, Philippines – Naglabas ng gag order ang Court of Tax Appeals (CTA) laban kay Sarangani Rep. Manny Pacquiao at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) hinggil sa kaso ng umano'y hindi tamang pagbabayad ng boksingero ng buwis.
Iniutos ni CTA First Division presiding judge Roman del Rosario sa dalawang kampo na huwag nang magsalita sa media kaugnay ng paghahabol ng BIR kay Pacquiao sa tamang pagbabayad ng buwis.
Nais ng BIR na makakuha ng P2.2 bilyon kay Pacquiao matapos hindi magbayad ng tamang buwis noong 2008-2009.
Nakatakdang dinggin ang kaso ni Pacquiao sa Enero 16.
Nitong Agosto naghain ng kaso ang Filipino boxing icon laban sa BIR na kinukuwestiyon ang kanyang tax liability.
Iginiit ni BIR Commissioner Kim Henares na hindi isinama ni Pacquiao sa kanyang income tax return noong 2009 ang kanyang mga kinita sa United States.
Kaugnay na balita: BIR nilinaw na walang kaso vs Pacquiao
"Ito yung problema ng 2009 ITR niya, wala siyang idineklarang American income, idineklara lang niya ay yung Philippine source income at under declared pa," pahayag ni Henares noong nakaraang Linggo.
“Kung meron kayo nun bakit hindi niyo ibinigay sa amin? Anong silbi nun kung itinago niyo? What is the purpose of having it and keeping it?†tanong ni Henares.
Nauna nang pinayuhan ni Pangulong Benigno Aquino III si Pacquiao na huwag nang pumasok sa media war at sagutin na lamang ang mga tinatanong ng BIR.
Kaugnay na balita: PNoy kay Pacquiao: Sagutin mo na lang ang BIR
"With all due respect to Congressman Pacquiao, if he believes that he has complied with all the necessary rules and all the necessary laws, then I'm sure he has all the evidence to afford," ani Aquino.
"If he did right, then I’m sure he will be able to prove that he did right, and therefore there is no issue. So the way to settle it is to answer all of these queries by the BIR and not to engage in a media war," dagdag ng Pangulo.
- Latest
- Trending