MANILA, Philippines – Nakiusap si Senate President Franklin Drilon sa dalawang beteranong mambabatas na itigil na ang bangayan lalo na’t panahon ng kapaskuhan.
Sa isang panayam sa radyo nanawagan si Drilon kina Senador Miriam Defensor Santiago at Juan Ponce Enrile na magpahinga muna sa pag-aaway kasunod nang privilege speech ng senadora.
"Siguro naman ngayon po ay nailabas na ang init ng ulo, baka sakali after a little while, mapakiusapan ang dalawa na ceasfire na muna. Pasko naman ngayon, kalma na muna. Hindi rin naman tanggap ng bayan ang ganyang mga away away, lalo na sa panahon ngayon,,†sabi ng pinuno ng Senado ngayong Huwebes.
Nais din ni Drilon na maging maayos at mapayapa ang Senado na aniya’y para sa ikabubuti rin nila.
"Baka naman pwede nang maibalik ang dati nating samahan para sa kapakanan ng ating institusyon," dagdag niya.
Iginiit ni Drilon na ang nangyaring bangayan kahapon ay bihira lamang mangyari sa kanilang mga sesyon.
"Ito'y extraordinary. Siguro sa tagal na nilang alitan, kahapon was the heat," sinabi pa ng senador.
Nagpasabog si Santiago kahapon sa kanyang 45-minutong privilege speech, kung saan puro tirada kay Enrile ang naging laman na binansagan pang psychopatic, hypersexualized serial womanizer."
Kaugnay na balita: 'Sinungaling, kriminal’
“My attacker (Enrile) is the icon of shameless lying…The man is an incorrigible liar and criminal, as brought out by the litany of his crimes against the Filipino people,†sabi ni Santiago sa unang bahagi ng kanyang talumpati.
Sinabi pa ni Santiago na si Enrile ang maitutuÂring na “mastermind of the biggest plunder case in Philippine historyâ€.
Si Enrile ang nakatanggap ng pinakamalaking pork barrel sa pagitan ng 2005 hanggang 2013 na umaabot sa P1.189 bilyon.