MANILA, Philippines - Isang magnitude-5.7 na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Mindanao nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitla ng Phivolcs ang lindol ganap na 7:58 ng umaga, may 57 kilometro ang layo sa timog silangang bahagi ng Mati, Davao Oriental.
Naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa bayan mismo ng Mati, Davao City and Toril; Intensity 3 sa mga siyudad ng Kidapawan at Butuan at Intensity 2 sa San Francisco, Agusan del Sur; Cotabato City; General Santos City; Koronadal City; Polomolok, South Cotabato; at sa Alabel, Sarangani.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, inaasahang magkakaroon pa ng mga aftershock ang naturang lindol.
Sinabi ni Solidum na maaaring ang lindol ay nagmula rin sa parehong Philippine fault zone na dahilan ng magnitude-7.2 na lindol na tumama sa mga probinsya ng Bohol at Cebu kamakailan.