Aquino matapos ang Yolanda: May liwanag na sa pagbangon

MANILA, Philippines – Kumpiyansa si Pangulong Benigno Aquino III sa pagtatalaga kay dating senador Ping Lacson bilang rehabilitation czar para mapabilis ang pagsasaayos ng mga winasak ng bagyong “Yolanda.”

Ipinaliwanag ni Aquino  ngayong Martes sa kanyang talumpati sa Bulong-Pulungan 2013 Forum kung bakit niya inilagay si Lacson sa itinalagang posisyon.

"Having Ping Lacson at the center where he is a no-nonsense guy focused solely on the Yolanda rehabilitation will undoubtedly achieve the targets sooner. That is the primary reason why we looked at the unique capabilities of Senator Lacson to be able to deliver," sabi ni Aquino.

Inamin ni Lacson kahapon na mahirap ang nakatakdang trabaho ngunit kaya naman itong gawin.

 KauKaugadaKaugnay na balita: Lacson bilang rehab czar: 'Maraming trabaho at maraming batikos'

"Talagang napakalaki ng pinsala at mukhang maraming lugar na talagang kailangang mag-start from zero, from scratch," pahayag ni Lacson sa isang pulong balitaan.

Samantala, tila nakakita ng liwanag si Aquino matapos ang delubyong hatid ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon na kumitil ng 5,680 na katao, habang 1,779 pa ang nawawala.

Kaugnay na balita: 5,680 na patay, 1,779 pa nawawala kay 'Yolanda'

"Napakaraming pong apektado itong trahedyang ‘to, pero ngayon pa lang ho, masasabi ko na sa inyo, tila may liwanag na kung paano natin ibabangon muli," President Aquino said in his speech.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang lahat ng tumulong sa mga biktima ng bagyo, partikular ang mga miyembro ng military, gabinete at ang mga tulong mula sa ibang bansa.

"Gusto ko rin pong pasalamatan lahat ng mga komunidad sa buong mundo ng mga Pilipino na talaga namang agarang dumamay," sabi niya.

"[T]alaga naman pong damang-dama natin ang pagdamay ng napakaraming bansa sa buong mundo sampu ng ating mga komunidad sa labas ng bansa," dagdag ni Aquino.

5,680 na patay, 1,779 pa nawawala kay 'Yolanda'

Show comments