Panibagong oil price hike ng Shell, Petron at Total

MANILA, Philippines -- Nagtaas ng presyo ng petrolyo ang tatlong kompanya ng langis ngayong Martes, isang araw matapos ang paglobo ng halaga ng liquefied petroleum gas (LPG).

Dagdag 35 sentimo kada litro ang ipinatupad ng Shell Philippines, Petron Corp. at Total Corp. sa gasolina kaninang ala-6 ng umaga.

Nagtaas rin ng P1.35 kada litro ang halaga ng diesel ang tatlong kompanya.

Nagpatupad din ng karagdagang 20 sentimo kada litro ang Shell at Peteon sa kerosene.

Sinabi ng Shell na hindi maaapektuhan ng oil price hike ang mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad partikular sa Tacloban City Leyte na binayo ng bagyong Yolanda at sa Bohol na niyanig ng magnitude 7.2 na lindol.

Ang naturang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw sa pandaigdigang merkado.

Una nang nagpatupad ng P13 kada kilo o P143 kada 11-kilong regular na tangke ng LPG ang Liquigaz nitong Linggo ng madaling araw.

Presyo ng petrolyo nakaamba ring Tumaas big time LPG hike, lumarga na

Lunes ng alas-12:01 ng madaling araw naman nang magpatupad ng mas mataas na P157 kada tangke o P14.30 kada kilo ng LPG dagdag-presyo­ ang Petron. Bukod dito, may P7.99 kada kilong pagtataas rin sa presyo ng kanilang Auto-LPG.

Nagtaas naman ang Shell sa kanilang Solane ng P11 kada kilo o P120 kada tangke habang alas-6 ng umaga­ nang magtaas naman ng P13 kada kilo o P143 kada tangke ang Total Philippines.

Show comments