Relief goods para sa mga 'highly-vulnerable families' na lang - DSWD
MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong Lunes na magpapatuloy ang pamimigay nila ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Pinabulaanan ni DSWD Assistant Secretary Vilma Cabrera na hanggang Disyembre 31, 2013 na lamang ang pagbibigay ng tulong.
"I'd like to correct that. The government would still continue (with the relief distribution) but in another modality," banggit ni Cabrera.
Tinutukoy ni Cabrera ang “cash-for-work and food-for-work†na programa ng kagawaran upang tulungang tumayo sa sariling paa ang mga biktima ni Yolanda.
Sinabi niya na hindi na bibigyan ng mga relief goods ang mga nasalantang kaya naman magtrabaho at tanging mga “highly-vulnerable†na lamang.
Kabilang sa mga highly-vulnerable families ang may bata, senior citizens at persons with disabilities.
Kaugnay na balita: DSWD mamimigay ng relief goods hanggang Disyembre
"For those that have the capacity to engage in either cash-for-work or food-for-work, we will be assisting them to be able for DSWD to still continue with cash support for them," ani Cabrera.
Sinabi pa ni Cabrera na 273,782 na pamilya pa rin naman ang binibigyan nila ng mga pangunahing pangangailangan mula sa 526,289 na mga naapektuhan ng bagyo.
Umabot na naman sa 2,322,051 na food packs ang naipamahagi ng DSWD, habang 294,314 litro ng tubig at 244,444 high-energy biscuits ang kanilang naibigay.
- Latest
- Trending