Lacson bilang rehab czar: 'Maraming trabaho at maraming batikos'
MANILA, Philippines – Sa pagtanggap ni dating senador Panfilo Lacson ng bagong trabaho mula sa administrasyon bilang Visayas rehabilitation czar, tanggap na rin niya ang kakambal nitong mga batikos mula sa publiko.
"Maraming trabaho at maraming batikos ito," pahayag ni Lacson sa isang pulong balitaan ngayong Lunes isang araw matapos niyang tanggapin ang alok ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police na paiiralin niya ang kamay na bakal upang maiwasan ang pananamanatala ng mga masasama ang loob, kabilang ang pangungurakot.
"Itong bagong trabaho na ito, as much as possible, gusto ko rito consultative tapos may harmony, walang away. Ang nakikita ko lang na makikipag-away ako rito, 'pag may nakita akong maling paggamit ng pondo,†banggit ng dating senador.
“Wherever it may be or whoever may be involved, doon na naman siguro babanat ang pagkabasagulero ko," dagdag niya.
Ipinaliwag ni Lacson na kailangang pantay ang pagiging diktador niya sa mga ipapatupad na proyekto para sa mga nabiktima ng bagyong “Yolanda†at ng magnitude 7.2 na lindol sa Bohol.
"There should be a balance between being dictatorial and being consultative," ani Lacson. "Hindi naman pwedeng puro consultation tapos merong lantaran naman na violations like looting."
Private sector
Aminado si Lacson na mahihirapan ibalik sa dati ang mga winasak ni Yolanda at ng iba pang kalamidad, pero tiniyak niyang magagawa ito.
"Talagang napakalaki ng pinsala at mukhang maraming lugar na talagang kailangang magstart from zero, from scratch.," sabi ni Lacson.
Inamin din niyang mas pipillin niyang ang pribadong sektor ang pumasok sa pagsasaayos dahil mas mabilis ito kumpara sa kayang gawin ng gobyerno na hinahaluaan pa ng pulitika.
"Kung ako lamang ang masusunod, I'd rather that the private sector take the initiative," paliwanag ni Lacson. "Tapos ang papel ko lang enabler, mag-monitor, mag-oversee sa implementation ng private sector."
"Let's face it, 'yung pagdating sa mga ganitong rehabilitation, reconstruction, mga structural designs, mas mabilis kumilos ang private sector.â€
- Latest
- Trending