BIR nilinaw na walang kaso vs Pacquiao

BIR Commissioner Kim Henares

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ngayong Huwebes ang kontrobesyang inaabot ngayon ng boksingero at kongresistang si Manny Pacquiao.

Sinabi ni Henares sa isang pulong balitaan ngayong Huwebes na walang idineklarang kita si Pacquiao mula sa United Sates nang maghain siya ng Income Tax Return (ITR) noong 2009.

"Ito yung problema ng 2009 ITR niya, wala siyang idineklarang American income, idineklara lang niya ay yung Philippine source income at under declared pa," pahayag ng BIR commissioner.

Iginigiit naman ng kampo ni eight-division champion na nagbigay sila ng kopya sa BIR, ngunit sinabi ng kawanihan na wala silang natatanggap.

Kaugnay na balita: Political analyst sa BIR: Killjoy

"Ibigay niyo samin ang ebidensya na nagbayad kayo sa Internal Revenue Service ng Amerika," panawagan ni Henares kay Pacquiao.

“Kung meron kayo nun bakit hindi niyo ibinigay sa amin? Anong silbi nun kung itinago niyo? What is the purpose of having it and keeping it?” tanong ni Henares.

Sinabi pa ni Henares  na kailangan nila ay ang orihinal na kopya o certified true copy na nagpapatunay na nagbayad ng buwis si Pacquiao sa Amerika sang-ayon na rin sa batas.

Walang kaso vs Pacquiao

Ipinaliwanag din ni Henares na wala silang inihaing kaso laban kay Pacquiao bagkus ay naging maluwag pa nga sila sa nakalipas na dalawang taon na aniya’y "out of respect for him."

Sinabi niya na warrant of garnishment lamang ang kanilang inilabas laban sa boksingero noong Hulyo 1, 2013.

Kaugnay na balita: Mommy Dionisia sa BIR: Ayusin niyo ‘to!

Dagdag niya na Mayo sila nagsimulang mag-asses ngunit walang tugon ang kinatawan ng Sarangani kaya naman naging final na ito noong Hunyo.

Sinabi rin ni Henares na sila pa nga ang kinasuhan ng kampo ng boksingero at nais ng kampo nila na mareview ang assessment ng BIR.

“July pa lang ho eh naka-issue na yung warrant,” sabi ni Henares. “Hindi niya pwedeng sabihin na hindi niya alam kasi August pa lang nagfile na siya ng kaso laban samin.”

“Walang tax evasion, walang civil case.”

Show comments