^

Balita Ngayon

'Yolanda rehabilition aabutin ng 3 o 4 na taon'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabutin ng tatlo hanggang apat na taon bago maipatupad ang plano ng gobyerno sa pagpapaayos ng mga lugar na winasak ng bagyong “Yolanda” ayon sa isang opisyal.

Sinabi ito ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ngayong Huwebes na siyang namumuno sa Yolanda Rehabilitation and Recovery Plan.

Dagdag ni Balisacan, na siya ring director general ng National Economic and Development Authority na maaaring maapektuhan ng  0.3 hanggang 0.8 porsiyento sa paglago ng ekonomiya matapos ang super typhoon na kumitil ng hindi bababa sa 5,500 katao at nanira ng P24.5 bilyong ari-arian.

Nakatakdang makipagpulong ang gabinete kay Pangulong Benigno Aquino III sa Biyernes upang talakayin ang plano na inaasahang matatapos sa loob ng isang buwan.

"As of now we are done with the critical and immediate action parts," sabi ni Balisacan.

Sinabi pa ng opisyal na uunahin nilang tulungan ang mga residenteng hindi na maaaring bumalik sa kanilang mga tahanan na pasok sa “hazard zones.”

"Highest in the priority are those who could no longer move back to the hazard zones," banggit niya.

Dagdag ni Balicasan na matatagalan ang pagpapagawa ng mga tirahan sa mga nasalanta dahil kinakailangan pang ma-update ng lokal na pamahalaa nang land use plan at geohazard maps.

Kahapon lamang ay inaprubahan ni Aquino ang rehabilitation and recovery plan.

AABUTIN

AQUINO

BALICASAN

BALISACAN

DAGDAG

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SINABI

SOCIOECONOMIC PLANNING SECRETARY ARSENIO BALISACAN

YOLANDA REHABILITATION AND RECOVERY PLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with