Political analyst sa BIR: Killjoy

MANILA, Philippines – Maling kinasuhan ng Bureau of Internal Revenue ang boksingero at kongresista na si Manny Pacquiao, ayon sa isang political analyst ngayong Miyerkules.

Sinabi ni Mon Casiple ng Institute for Political and Electoral Reform na naging negatibo ang tingin ng publiko sa paghain ng tax evasion case laban sa eight-division boxing champion.

 â€œFrom my vantage point,  it's political boo-boo yan. Nag create ka ng kalaban without gaining anything, politically I mean. At yung kalaban mo pa yung pinakapopular na tao sa balat ng lupa ngayon kasi kapapapapanalo lang. Kung baga, killjoy ka," pahayag ni Casiple.

Sa tingin pa ni Casiple ay lumabas pa lalong hindi maayos ang gobyerno.

"Unfortunately, parang it adds to the impression that this government is not working as one and therefore is incompetent ,” komento ng political analyst.

Kaugnay na balita: Pacquiao nangutang para makatulong sa 'Yolanda' victims

"Parang yung decision ng BIR na i-tax mo lahat ng tumutulong sa biktima o kaya i-tax yung mga pamilya nung mga namatayan. May inheritance tax involved. I mean totoong may ganun pero not in the midst of a crisis. No sensitivity dito. It's too appalling," dagdag niya.

Sa kabilang banda, sinabi ni Casiple na magagamit ni Pacquiao ang pagkakataon upang mas maging matunog ang kanyang pangalan para sa nalalapit na 2016 national elections.

"I think Pacquiao will use it. Kasi yung ganyan, underdog siya dyan...Assuming 'yung trajectory 'yung kanyang political career to run for senator in 2016 ay sigurado makakatulong sa kanya ang ganyang publicity," sabi ni Casiple.

Kahapon ay sinabi ng Filipino boxing icon na kinailangan pa niyang mangutang upang tuparin ang pangako sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”

Kaugnay na balita: Mommy Dionisia sa BIR: Ayusin niyo ‘to!

Dahil ito sa iniutos umanong freeze order ng BIR sa mga bank accounts ng boksingero.

“Wala po kaming access sa lahat ng mga accounts, pati sa asawa ko. Ang ginawa ko para makatulong ako, nangutang ako para makapadala ako ng tulong para sa mga kababayan natin sa Tacloban," kuwento ng boksingero.

Kanina ay nilinaw naman ni BIR commissioner Kim Henares na P1.1 milyon lamang mula sa kanyang bangko ang hinarang nila sa bisa ng warrant of garnishment.

Kaugnay na balita: Henares kay Pacquiao: 'Wag idahilan ang BIR

“He’s making it appear that he cannot pay his staff’s salary, he cannot continue scholarships, he cannot give relief to the Yolanda victims because of us. But the only thing that we have of his money is P1.1 million. So how can he say that he cannot do all these things because we have all his money?” pahayag ni Henares sa isang panayam sa telebisyon.

Show comments