SC kinatigan ang pagbawi ng umano'y nakaw na yaman ng ex-AFP chief

MANILA, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Sandiganbayan na bawiin ang hindi maipaliwanag na yaman ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lisandro Abadia at asawa niya.

Ibinasura ng mataas na hukuman ang inihang motion for reconsideration ni Abadia kung saan kinukuwestiyon niya ang desisyon ng Sandiganbayan noong Hunyo.

Iniutos ng Sandiganbayan kina Abadia ang pagsauli sa gobyerno nang mga hindi maipaliwanag niyang yaman na umabot sa P11.26 milyon.

Sinabi ni Sandiganbayan Associate Justice Alex Quiroz na hindi maipaliwanag ng mag-asawa ang biglang pagtaas ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng retiradong hepe ng AFP.

Inilagay ni Abadia sa kanyang SALN ang P3.77 milyon noong 1991, at P6.476 milyon noong 1992 bago ito lumobo sa P13.61 milyon noong 1993.

Nagretiro si Abadia bilang pinuno ng AFP noong 1994.

Show comments