^

Balita Ngayon

Henares kay Pacquiao: 'Wag idahilan ang BIR

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Nanawagan si Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares kay eight-division champion Manny Pacquiao na huwag gawing dahilan ang kawanihan kung hindi siya makakatulong sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” sa Visayas.

Sinabi ni Henares ngayong Miyerkules na pinapalabas ni Pacquiao na hinaharang ng BIR ang bank accounts niya kaya nangutang muna upang makatulong sa Tacloban City, ang lungsod na pinakamalalang tinamaan ni Yolanda.

Nilinaw ng kalihim na P1.1 milyon lamang mula sa kanyang bangko ang hinarang nila sa bisa ng warrant of garnishment.

Kaugnay na balita: Pacquiao nangutang para makatulong sa 'Yolanda' victims

“He’s making it appear that he cannot pay his staff’s salary, he cannot continue scholarships, he cannot give relief to the Yolanda victims because of us. But the only thing that we have of his money is P1.1 million. So how can he say that he cannot do all these things because we have all his money?” pahayag ni Henares sa isang panayam sa telebisyon.

"I don’t know where his other money is. If he cannot help people, if he cannot pay people, he should not make us his excuse,” dagdag niya.

Samantala, sinabi naman ng abogado ni Pacquiao na hindi magagalaw ng kanyang kliyente ang pera sa 22 banko dahil sa  garnishment notice ng BIR.

Kaugnay na balita: Mommy Dionisia sa BIR: Ayusin niyo ‘to!

"Once na may notice of garnishment na ipinadala ang BIR, 'yung mga bangko hindi na papayagang mag-withdraw ang sinumang account holder base doon sa notice," sabi ni Remegio Rojas sa isang panayam sa radyo.

Nag-ugat ang tax evasion case matapos hindi niya maideklara sa kanyang income tax return ang mga binayarang buwis sa Estados Unidos kung saan ginawa karamihan ng kanyang laban noong 2008-2009.

Sinabi ni Henares na maiiwasan sana ang aberya kung noon pa lamang ay inihain ng boksingero ang mga papeles na magpapatunay na nagbayad siya ng buwis sa Amerika.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE COMMISSIONER KIM HENARES

ESTADOS UNIDOS

HENARES

KAUGNAY

MOMMY DIONISIA

PACQUIAO

YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with