MANILA, Philippines – Lumabag ang rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) sa tigil putukan na idineklara nila sa mga lugar na binayo ng bagyong “Yolanda†ayon sa military ngayong Lunes.
Nag-ugat ito matapos ang 10-minutong bakbakan ng mga awtoridad at ng mga rebelde sa Barangay Pitogo La Libertad, Negros Oriental kahapon.
Sinabi ng military na nagpapatrolya ang 11th battalion nang paputukan sila ng mga miyembro ng NPA bandang 5:05 ng hapon.
Isa ang nasawi mula sa mga rebelde, habang wala naman mula sa hanay ng mga sundalo, ayon sa tagapagsalita ng 3rd division na si Major Ray Tiongson.
Aniya nangyari ang engkwentro kahit na umiiral ang tigil putukan na idineklara ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa mga apektadong lugar ni Yolanda.
“This is a clear violation of the CPP-NPA on their ceasefire declaration. It only shows that their leadership has no control over their units. The Army here in Negros remains vigilant in securing and protecting the people from these lawless armed elements,†pahayag ni Brig. Gen. Francisco Patrimonio, hepe ng 302nd Brigade.
Nauna nang inihayag ng CPP na ipapatupad ang tigil putukan mula Nobyember 8 hanggang Disyembre 24 sa NPA Eastern Visayas Regional Command, Panay Regional Command, Central Visayas Regional Command at Negros Island Command.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang M1 Carbine rifle na may magazine na kargado naman ng mga bala, ilang basyo ng bala ng M-16 rifle, backpack na may iba’t ibang papeles.
Sinabi ni Tiongson na pangalawang beses nang lumabag sa usapan ang mga rebelde.
Unang naganap ang paglabag sa tigil putukan noong Nobyembre 16 sa Kabankalan City Negros Occidental kung saan isang sundalo ang nasugatan.
“We will continue our presence in the communities in order to protect the civilians, the government, public and private infrastructure which the NPA has been planning to destroy,†sabi ni Maj. Gen. Aurelio Baladad, hepe ng Army’s 3rd division.