^

Balita Ngayon

‘Text-only warning’ sa yosi wa epek sa smokers

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala raw epekto sa mga naninigarilyo ang ‘text-only warnings’ na nakalagay sa mga kahon ng sigarilyo upang mapahinto ang mga ito.

Ayon kay Health advocate Atty. Diana Triviño, tila kaunti lamang ang natakot sa warning sa loob ng pitong taong kampanya.

Sinabi ni Triviño na ang mga text-only warnings, tulad ng “Cigarettes are addictive,”  “Cigarette smoking is dangerous to your health,” “Tobacco smoke can harm your children,” at “Smoking kills,” ay hindi na epek­tibo upang makumbinsi ang mga matatagal ng smokers na tigilan na ang paninigarilyo.

Aniya, ang paglalagay ng mga nasabing babala ay alinsunod sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003 kung saan inoobliga ang mga tobacco manufacturers na maglagay ng text-only warnings sa mga cigarette packs.

Sinimulan ang pagpapatupad nito noong 2006 subalit matapos ang pitong taon wala umanong pagbabago.

Nakakapagtaka lamang na tinututulan ng mga cigarette makers ang graphic health warnings sa bansa samantalang ginagawa ang mga nasabing pakete sa Pilipinas at ine-export lamang sa Singapore atThailand.

Lumilitaw na umaabot sa 17.3 mil­yong adult smokers sa Pilipinas kasunod ng Indonesia.

vuukle comment

ANIYA

AYON

DIANA TRIVI

PILIPINAS

REPUBLIC ACT

TOBACCO REGULATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with