MANILA, Philippines – Hindi pinatawad ng mga magnanakaw pati ang donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda†matapos nila itong nakawin sa isang simbahan sa Agusan del Sur, ayon sa mga awtoridad ngayong Biyernes.
Sinabi ng Philippine National Police na dumulog sa kanila ang kura paroko ng Carmelite Convent of the Sacred of Jesus Christ na si Father Artemio Jusayan malamang napagnakawan sila.
Ayon sa pari bandang 6:30 ng umaga ng Huwebes nila napansing nalooban sila ng mga masasamang loob.
Binasag ng mga magnanakaw ang salaming bintana ng simbahan upang makapasok sa cashier at finance office kung nasaan ang perang donasyon para sa Yolanda victims.
Kaagad namang nadakip ang isang menor de edad na suspek na itinuro ang isang “Paquito†bilang kanyang kakuntsaba.
Dinala na ang suspek sa pangangalaga ng San Francisco Municipal Social Work and Development Office.